Kaisa ang Kagawaran ng Edukasyon ng buong bansa sa pagtataguyod ng kahalagahan ng preserbasyon at pagsusulong ng cultural heritage ng bansa, lalo na sa pagdiriwang ngayong Mayo ng National Heritage Month.
Sa pangunguna ng National Commision for Culture and the Arts, tema ng pagdiriwang ngayong taon ang “Championing Heritage: Capacity Building to Transform Communities,” na kumikilala sa mahalagang gampanin ng capacity building sa pagpapalakas ng mga komunidad upang maipreserba ang kanilang kultural na identidad.
Para sa detalye ng pagdiriwang ng National Heritage Month ngayong taon, basahin ang DepEd Memorandum 022, s. 2024: bit.ly/DM022S2024